Isang makasaysayang aktibidad ang isinagawa ngayong araw, ika-10 ng Oktubre taong kasalukuyan sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro matapos lagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA)sa pagitang ng ating Pamahalaang Panlalawigan at ng German Doctors - Committee of German Doctors for Developing Countries, Inc sa PGO San Jose sub-office sa bayan ng San Jose.
Personal na lumagda ang ating Gobernador Eduardo B. Gadiano at mga kinatawan ng German Doctors sa katauhan ni Dr. Thomas Dela Cruz - German Doctors National Coordinator sa isang MOA patungkol sa mga isasagawang medikal na gawain ng mga boluntaryong doktor mula sa bansang Germany sa ilalim ng German Doctors Inc. para mabigyan karagdagang medikal na atensyon ang ating mga katutubong Mangyan na tunay nating binibigyang pagpapahalaga sa ating lalawigan. Sa pagsisimula ng nasabing aktidad ay isang welcome message ang ipinagkaloob ni Dr. Alexander Schewenke sa ating mga lider ng lalawigan at sa mga dumalo sa nasabing MOA Signing kasunod naman ang pagbibigay ng buod na kaalaman patungkol sa humanitarian mission ng German Doctors Inc sa pamamagitan ni Ms. Sheila Freitas - German Doctors Area Project Manager. Ayon kay Ms. Freitas, sila ay nalulugod sa pamunuan ng ating lalawigan lalong lalo na sa ating Provincial Health Office na pinapangunahan ni PHO II Dr. Romualdo Salazar Jr. MD., MHA dahil sa kompletong datos nito patungkol sa mga medikal na data ng ating lalawigan, gayundin ang pag aapruba ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Diana Apigo-Tayag para sa SP Resolution na pinapahintulutan ang ating Gov. Ed na magsagawa ng isang MOA sa pagitan ng German Doctors, Inc. Ayon pa kay Ms. Freitas kanilang pilot project ang bayan ng Abra de Ilog dahil ayon sa mga datos ng ating PHO ang bayan ng Abra de Ilog ang nakapagtala ng mas mataas na bilang ng mga katutubong Mangyan na nangangailangan ng pangmatagalang medikal na atensyon.
Ilan sa mga nakasaaad sa nasabing MOA ang mga pangmatagalang programang isasagawa ng mga kawani ng German Doctors Inc sa ating lalawigan lalong-lalo na pagbibigay ng libreng medikal na atensyon sa ating mga katutubong Mangyan, gayundin ang mga napagkasunduang gagawin ng ating Pamahalaang Panlalawigan upang masiguro ang kaligtasan ng mga dayuhang doktor at mga kawani ng nasabing humanitarian organization. Sa mensaheng ibinigay ng ating Gov. Ed kanyang pinasalamatan ang nasabing organisasyon dahil napili nila ang ating lalawigan na magsagawa ng nasabing programang medikal tulad ng sa kalapit nating lalawigan ng Oriental Mindoro na kung saan 20 taon nang nagbibigay ng serbisyo ang German Doctors sa mga tribong Mangyan ng Oriental Mindoro.
Kasamang dumalo sa nasabing makasaysayang MOA Signing sina PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee, Sangguniang Kabataan Federation President/SP Board Member Ainah Baticados, Abra de Ilog Hon. Mayor Maria Gloria Constantino, Ms. Angelita Altayo - Tribal Affairs Asst. II - NCIP, Dr. Apolonio Domingo Jr. - San Jose District Hospital, Ms. Guia Manelle Camandang-Iwayan - PGO SAMARICA Secretary to the Governor, Mr. June Camandang - PGO SAMARICA Municipal and Barangay Affairs Office at mga kawani ng German Doctors Inc.
CC PIO Occidental Mindoro
No Comments Yet...